1 Nang matapos maitayo ang pader at nailagay ko na ang mga pinto nito, at naitalaga na ang mga bantay ng mga tarangkahan at mga mang-aawit at mga Levita, 2 ibinigay ko sa aking kapatid na si Hanani ang pamamahala sa Jerusalem, kasama ni Hananias na namuno sa tanggulan, dahil siya ay taong tapat at may takot sa Diyos higit pa kaysa sa karamihan. 3 At sinabi ko sa kanila, “Huwag ninyong buksan ang mga tarangkahan ng Jerusalem hangga't hindi pa tirik ang araw. Habang may nagbabantay sa tarangkahan, maaari ninyong isara ang mga pinto at lagyan ng harang ang mga ito. Magtalaga kayo ng mga tagapagbantay mula doon sa mga naninirahan sa Jerusalem, ang ilan ay italaga sa kanilang himpilan, at ang ilan sa harap ng kanilang mga bahay.” 4 Ngayon ang lungsod ay malawak at malaki, pero kaunti lang ang mga taong nasa loob nito, at wala pang mga bahay ang muling naitatayo. 5 Inilagay ng aking Diyos sa aking puso na tipunin ang mga maharlika, ang mga opisyales, at ang mga tao na itala ang kanilang mga pangalan ayon sa kanilang mga pamilya. Natagpuan ko ang Talaan ng Lahi ng unang pangkat ng mga bumalik at aking natagpuan ang mga sumusunod na nakasulat dito. 6 “Ito ang mga mamamayan ng lalawigan na umakyat mula sa pagkatapon at naging bihag ni Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia. Bumalik sila sa Jerusalem at sa Judah, ang bawat isa sa kani-kaniyang lungsod. 7 Dumating sila na kasama sila Zerubabbel, Jeshua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana. Ang bilang ng mga kalalakihan ng bayan ng Israel ay kabilang ang mga sumusunod. 8 Ang mga kaapu-apuhan ni Paros, 2, 172. 9 Ang mga kaapu-apuhan ni Shefatias, 372. 10 Ang mga kaapu-apuhan ni Arah, 652. 11 Ang mga kaapu-apuhan ni Pahath Moab, sa pamamagitan ng mga kaapu-apuhan ni Jeshua at Joab, 2, 818. 12 Ang mga kaapu-apuhan ni Elam, 1, 254. 13 Ang mga kaapu-apuhan ni Zatu, 845. 14 Ang mga kaapu-apuhan ni Zacai, 760. 15 Ang mga kaapu-apuhan ni Binui, 648. 16 Ang mga kaapu-apuhan ni Bebai, 628. 17 Ang mga kaapu-apuhan ni Azgad, 2, 322. 18 Ang mga kaapu-apuhan ni Adonikam, 667. 19 Ang mga kaapu-apuhan ni Bigvai, 2, 067. 20 Ang mga kaapu-apuhan ni Adin, 655. 21 Ang mga kaapu-apuhan ni Ater, ni Hezekias, 98. 22 Ang mga kaapu-apuhan ni Hasum, 328. 23 Ang mga kaapu-apuhan ni Bezai, 324. 24 Ang mga kaapu-apuhan ni Harif, 112. 25 Ang mga kaapu-apuhan ni Gibeon, 95. 26 Ang mga lalaki mula sa Bethlehem at Netofa, 188. 27 Ang mga lalaki mula sa Anatot, 128. 28 Ang mga lalaki ng Beth Azmavet, 42. 29 Ang mga lalaki ng Kiriat Jearim, Chephira, at Beerot, 743. 30 Ang mga lalaki ng Rama at Geba, 621. 31 Ang mga lalaki ng Micmas, 122. 32 Ang mga lalaki ng Bethel at Ai, 123. 33 Ang mga lalaki sa iba pang Nebo, 52. 34 Ang mga tao sa iba pang Elam, 1, 254. 35 Ang mga lalaki ng Harim, 320. 36 Ang mga lalaki ng Jerico, 345. 37 Ang mga lalaki ng Lod, Hadid, at Ono, 721. 38 Ang mga lalaki ng Senaa, 3, 930. 39 Ang mga pari: Ang mga kaapu-apuhan ni Jedaias (sa bahay ni Jeshua), 973. 40 Ang mga kaapu-apuhan ni Imer, 1, 052. 41 Ang mga kaapu-apuhan ni Pashur, 1, 247. 42 Ang mga kaapu-apuhan ni Harim, 1, 017. 43 Ang mga Levita: ang mga kaapu-apuhan ni Jeshua, ni Kadmiel, ang kaapu-apuhan ni Hodavias, 74. 44 Ang mga mang-aawit: ang mga kaapu-apuhan ni Asaf, 148. 45 Ang mga tagapagbantay ng tarangkahan na kaapu-apuhan ni Sallum, ang mga kaapu-apuhan ni Ater, ang mga kaapu-apuhan ni Talmon, ang mga kaapu-apuhan ni Akub, ang mga kaapu-apuhan ni Hatita, ang mga kaapu-apuhan ni Sobai, 138. 46 Ang mga lingkod ng templo: ang mga kaapu-apuhan ni Ziha, ang mga kaapu-apuhan ni Hasufa, ang mga kaapu-apuhan ni Tabaot, 47 ang mga kaapu-apuhan ni Keros, ang mga kaapu-apuhan ni Sia, ang mga kaapu-apuhan ni Padon, 48 ang mga kaapu-apuhan ni Lebana, ang mga kaapu-apuhan ni Hagaba, ang mga kaapu-apuhan ni Salmai, 49 ang mga kaapu-apuhan ni Hanan, ang mga kaapu-apuhan ni Gidel, ang mga kaapu-apuhan ni Gahar. 50 Ang mga kaapu-apuhan ni Reaias, ang mga kaapu-apuhan ni Rezin, ang mga kaapu-apuhan ni Nekoda, 51 ang mga kaapu-apuhan ni Gazam, ang mga kaapu-apuhan ni Uza, ang mga kaapu-apuhan ni Pasea, 52 ang mga kaapu-apuhan ni Besai, ang mga kaapu-apuhan ni Meunim, ang mga kaapu-apuhan ni Nefusesim. 53 Ang mga kaapu-apuhan ni Bakbuk, ang mga kaapu-apuhan ni Hakufa, ang mga kaapu-apuhan ni Harhur, 54 ang mga kaapu-apuhan ni Bazlit, ang mga kaapu-apuhan ni Mehida, ang mga kaapu-apuhan ni Harsa, 55 ang mga kaapu-apuhan ni Barkos, ang mga kaapu-apuhan ni Sisera, ang mga kaapu-apuhan ni Tema, 56 ang mga kaapu-apuhan ni Nezias, ang mga kaapu-apuhan ni Hatifa. 57 Ang mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Solomon: ang mga kaapu-apuhan ni Sotai, ang mga kaapu-apuhan ni Soferet, ang mga kaapu-apuhan ni Perida, 58 ang mga kaapu-apuhan ni Jaala, ang mga kaapu-apuhan ni Darkon, ang mga kaapu-apuhan ni Gidel, 59 ang mga kaapu-apuhan ni Shefatias, ang mga kaapu-apuhan ni Hatil, ang mga kaapu-apuhan ni Poqereth Hazebaim, ang mga kaapu-apuhan ni Amon. 60 Lahat ng mga lingkod ng templo, at lahat ng mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Solomon, ay 392. 61 At ang mga sumusunod ay ang mga pumunta mula sa Tel Mela, Tel Charsa, Cherub, Adon, at Imer; pero hindi nila mapatunayan na sila o ang mga pamilya ng kanilang mga ninuno ay mga kaapu-apuhan mula sa Israel: 62 Ang mga kaapu-apuhan ni Delaias, ang mga kaapu-apuhan ni Tobias, ang mga kaapu-apuhan ni Nekoda, 642. 63 At ang mga pari: ang mga kaapu-apuhan ni Hobaias, ang mga kaapu-apuhan ni Hakoz, ang mga kaapu-apuhan ni Barzilai na ginawang asawa ang mga anak na babae ni Barzilai na taga-Galaad at tinawag ayon sa kanilang pangalan. 64 Sinaliksik nila ang pagkakatala ng kanilang pangalan kung kasama sa mga nakatala ayon sa kanilang lahi, pero hindi nila matagpuan, kaya sila ay ibinukod mula sa pagkapari bilang marumi. 65 At sinabi ng gobernador sa kanila na hindi dapat sila payagan na kumain sa bahagi ng pagkain ng mga pari na mula sa mga alay hanggang sa pagkakataon na may lumitaw na pari na may Urim at Tumim. 66 Ang buong kapulungan na magkakasama ay 42, 360, 67 maliban pa sa kanilang mga lalaking lingkod at kanilang mga babaeng lingkod, na ang bilang ay 7, 337. Sila ay mayroong 245 na mang-aawit na mga lalaki at mga babae. 68 Ang kanilang mga kabayo ay 736, ang kanilang mga mola, 245, 69 ang kanilang mga kamelyo, 435, at ang kanilang mga asno, 6, 720. 70 Ang ilan sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ay nagbigay ng mga kaloob para sa gawain. Ang gobernador ay nagbigay sa pananalapi ng isang libong daric ng ginto, 50 mga mangkok, at 530 mga kasuotang pang-pari. 71 Ang ilan sa mga pinuno ng angkan ng mga ninuno ay nagbigay sa pananalapi para sa gawain ng 20, 000 mga daric ng ginto at 2, 200 na mga mina ng pilak. 72 Ang natirang mga tao ay nagbigay ng 20, 000 na mga daric ng ginto, at 2, 200 na mga mina ng pilak, at animnapu't pitong mga balabal para sa mga pari. 73 Kaya ang mga pari, ang mga Levita, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan, ang mga mang-aawit, ang ilan sa mga mamamayan, ang mga lingkod sa templo, at lahat ng Israelita ay nanirahan sa kani-kanilang mga lungsod. Nang ika-pitong buwan ang mga bayan ng Israel ay nanahan sa kanilang mga lungsod.”
<- Nehemias 6Nehemias 8 ->